10

By

Red tide alert sa Samar

Sharing is caring!

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkain ng mga paralytic shellfish na tulad ng tahong, tulya, talaba at iba pang shells matapos ilabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na mataas pa rin sa regulatory limit na lason ang mga ito sa ilang karagatan.

Kabilang na rito ang karagatan na sakop ang Matarinao Bay sa Eastern Samar, Lianga Bay sa Surigao del Sur, coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol at ang coastal waters ng Milagros sa Masbate.

Kaya naman mahigpit ang paalala ng BFAR kaugnay sa panghuhuli, paghango at pagkain ng mga shellfish sa nasabing mga lugar.

Samantala, dagdag pa ng BFAR na ligtas kainin ang isda, pusit, hipon at mga alimango at kailangan lamang na hugasang mabuti at alisin ang mga laman-loob bago lutuin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?