27

Mar 25, 2020 @ 21:00
By

‘Red tape’ at di virus ang papatay sa atin – Gatchalian

Nangangamba si senator Sherwin Gatchalian na hindi ang kumakalat na COVID-19 ang sisira sa mga mamamayan kung hindi ang kakulangan ng ‘urgency’ ng mga tao at gobyerno.

Sa tweet ng 45-anyos na senador ay ramdam ang himutok nito sa nangyayaring ‘red tape’ para mapuksa ang kumakalat na virus.

“Sorry to say this, but it’s not the virus that will kill us. It’s red tape & the lack of sense of urgency that will kill us,” saad ni Sherwin sa kanyang tweet.

Giit pa ng senador, ang mabagal umanong akreditasyon ng Department of Health sa mga testing center at mga padalang kits ang lalo pang nagpapatagal para malabanan ang sakit.

“Ang tagal i-acredit ng DOH ang mga testing centers at importation of kits. We need to move around the clock. Maraming magugutom pag hindi natin mahinto ito.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?