57

Jan 25, 2021 @ 11:33
By

Red-tagging sa PLM isang insulto – pangulo

Pinalagan ng pangulo ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ang pangalawang beses na pangrered-tag sa kanila ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Lieutenant General Antonio Parlade Jr..

Red-tagging ang pagbansag sa mga indibidwal, grupo, o institusyon bilang “maka-kaliwa,” “komunista” o “terorista.”

Matatandaang pinaratangan ni Parlade na isa ang PLM sa 18 mga paaralan sa bansa na nagsisilbi umanong kuta ng recruitment para sa partidong komunista.

“The Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) was once again the subject of unscrupulous allegations made by a high official of the military, particularly of the NTF-ELCAC. This is the second time the same official attempted to put the PLM in a bad light by red-tagging,” sabi ni PLM president Emmanuel Leyco sa Facebook kagabi.

Ayon kay Leyco, wala silang nalalamang recruitment para sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) sa loob ng kanilang campus.

Nilabas din aniya ni Parlade ang akusasyon sa kasagsagan ng pagharap ng PLM community sa mga hamon ng online education.

Kilala rin aniya ang PLM sa kanilang hilig sa serbisyo publiko, kaya isa aniyang insulto ang ginawang pangre-red-tag ni Parlade sa nasabing institusyon.

“The PLM administration is not aware of any recruitment by the CPP-NPA on campus nor had it been previously advised by the authorities of such activities,” wika ng PLM president.

“This allegation is a serious disservice to the men and women of the PLM and comes at a very bad time when its faculty, students and staff are struggling with the challenges of online education. Such distraction in the midst of the COVID-19 pandemic is indeed reprehensible.”

“This latest attempt to red-tag the university is an insult to PLM’s distinguished faculty, hardworking staff and dedicated students who are being prepared to join the country’s future leaders in business, government and civil society,” dagdag niya.

Patuloy aniyang itataguyod ng PLM ang mga karapatan ng mga guro at mga estudyante nito na matuto nang may ganap na proteksiyon ng kanilang karapatan sa academic freedom.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?