5
joe-kelly
By

Red Sox panis sa Yankees

Sharing is caring!

Sinalubong ng boo si Joe Kelly ng Boston Red Sox paglabas pa lang ng bull pen, at hindi tinigilan ang bagong public enemy No. 1 sa New York.

Dalawang beses naka-homer si Giancarlo Stanton kasama ang matulis na tira sa left field, pinalo ni Aaron Judge ang tiebreaking single mula kay Kelly, at naungusan ng Yankees ang karibal na Red Sox 3-2 Martes ng gabi.

Kinolekta ng Yankees ang 16thwin sa 17 games.

Sa opener ng three-game showdown ng magkaribal, naka-strike out ng 11 si Luis Severino sa pakikipagduelo kay Red Sox lefty Drew Pomeranz.

Tabla na ang Yankess at Red Sox sa first place ng AL (American League) East sa 25-10.

Naglabu-labo ang players ng dalawang teams sa Fenway Park sa New York noong April dahil kay Kelly, at sa muling paghaharap ay dumagsa ang 45,773 crowd na ayaw pahuli sa pinakahuling installment ng duelo.

Sadyang pinatamaan ni Kelly ng humahaginit na fastball si Tyler Austin ng New York. Ganti iyon ni Kelly dahil unang sinuyod ni Austin si Red Sox second baseman Brock Holt sa second base tumama ang spike ng sapatos ni Austin kay Holt.

Nang batuhin ni Kelly, sumugod sa mound si Austin at nagsunuran na ang benches ng magkabila.

Sinuspinde ng Major League Baseball si Kelly ng six games, five kay Austin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?