32

By

‘Red October’ plot wala na – Lorenzana

Sharing is caring!

Nalaos na umano ang planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte ng ilang rebeldeng komunista, ayon ito kay Defense Secretary Lorenzana.

“Wala na ‘yang Red October, wala na,” ayon kay Lorenzana, at nagbiro pang ‘White Christmas’ na umano ang napapanahon ngayon.

Sinabi ni rin ng kalihim na kaya napigil ang ‘Red October’ dahil nabuko ang mga ito ng intel ng Palasyo at AFP.

“Wala na, hindi na natuloy ‘yung kuwan nila, kasi nabuking sila, there was, we got a document really stating that, nakalagay dun Red October,” pakli pa niya. “So nung ilabas ‘yun ng AFP… kasi initially parang merong mga kumpol-kumpol yung mga grupo, pero nung mabulgar sila, nagpulasan na so hindi na matutuloy.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?