60
6,000 PNP police nagsama-sama para sa Squad Leaders and Life Coaches Summit
Sep 10, 2019 @ 15:27
By

Red notice vs. Sison idadaan sa Interpol – PNP

Pormal nang hihilingin ng Philippine National Police (PNP) sa International Criminal Police Investigation (Interpol) na magpalabas ng red notice laban kay Communist Party of the Philippines founding Chairman Jose Maria Sison.

Tinuturing na isang valid request para maaresto ng Interpol ang isang taong inisyuhan ng red notice.

“The Philippine National Police, thru the Philippine Center on Transnational Crime, is making representations with the International Criminal Police Organization for the issuance of a red notice for the arrest of Jose Maria Sison to face trial in the Philippines for the crime of murder,” pahayag ni PNP chief Police General Oscar Albayalde sa press briefing kaninang tanghali, Setyembre 10, sa Camp Crame.

Paliwanag pa ni Albayalde, ang red notice laban kay Sison at 37 iba pa ay batay sa warrant of arrest para sa 15 counts of murder na inilabas ni Hon. Thelma Bunyi-Medina, presiding judge ng Manila Regional Trial Court Branch 32. Walang kaukulang piyansang nakalaan sa paglaya rito.

Nilinaw ni Albayalde na kahit may red notice ay hindi pa maaresto si Sison ng mga lokal na awtoridad sa The Netherlands dahil sa pinagkaloob sa kanyang political asylum ng Dutch government.

Inaasahan umano ng hepe na magtatagumpay ang pulisya sa pagpapabawi ng political asylum ni Sison sa Dutch Government base sa kanyang pagiging miyembro ng isang umano’y teroristang grupo.

Dagdag pa ni Albayalde, sa oras na hindi na itinuturing na political refugee si Sison sa The Netherlands, maari na itong arestuhin ng Dutch Police at ipa-deport pabalik ng Pilipinas upang harapin ang mga sinampang kaso laban sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?