304

Jun 20, 2019 @ 19:38
By

‘Red lightning alert’ itinaas sa NAIA

Humingi ng pang-unawa sa air riding public ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa inaasahang pagka-delay ng mga flight matapos itaas ang “red lightning alert” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Huwebes.

Ayon sa MIAA, inilabas ang “red lightning” alas-5:17 ng hapon sa paliparan.

Dahil dito, pansamantalang sususpendihin ang ramp movement sa aircraft at ramp personnel.

Iniisyu umano ang “red lightning alert” kapag kalat ang presensiya ng kidlat sa lugar na mapanganib sa mga pasahero, personnel at sa mismong flight operations.

“The MIAA seeks the understanding of the air riding public for expected delays in flight operations. Safety of passengers, flight and airport workers remain paramount in airport operations,” saad ng MIAA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?