157

By

Red Horse pinampatay sa construction worker

Dahil lamang umano sa titigan, sinaksak ng basag na bote ng Red Horse at napatay ang isang construction worker habang bumibili ng hamburger sa Commonwealth Quezon City, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni PCapt. Juan B. Mortel ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), ang biktima na si Christian Rosales, 27, may asawa, construction worker at residente ng No. 5255 Bolaba St., IBP Road, Brgy. Commonwealth, QC.

Pinaghahanap naman ang mga nakatakas na suspek na nakilalang sina Roberto Mangay-ayam, Nestor Asuncion, at John Avel Teves, pawang residente ng No. 2 Pemijia St., Brgy. Libis sa nasabing lungsod.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PSSgt. Genario Diego, ang insidente ay naganap dakong alas-11:00 ng gabi (July 18) sa harapan ng tahanan ng mga suspek sa Pemijia sa nabanggit na barangay.

Naglalakad umano ang biktima kasama ang lima niyang barkada na nakilalang sina Alvin Valenzuela, Jessei Rosales, Bernabe Burce, Joshua Rosales at Jasper Bolano patungo sa Angel’s Burger nang sabuyan sila ng alak ng mga suspek na noon ay nag-iinuman sa loob ng bahay at pawang nakatitig sa kanila.

Gayunman ay hindi na lamang uminom ng biktima at mga kasama nito ang ginawa ng mga suspek subalit habang hinihintay ng mga ito ang kanilang order na hamburger ay lumabas ang isa sa mga suspek na si Mangay-ayam at kinompronta ang una saka sinabing ‘Kursunada mo ba ako at bibirahin mo ko?’

Sumunod ay lumabas naman ang dalawa pang suspek na sina Asuncion at Teves na may dalang basag na bote ng Red Horse at walang sabi-sabing sinaksak ang biktima saka mabilis na tumakas.

Agad namang isinugod ng kaniyang mga kasamahan ang biktima sa Rodriguez Hospital subalit binawian din ito ng buhay dakong alas-12:35 ng madaling araw nitong Biyernes (Julyh 19), ayon kay Dr. Joseph Paule sanhi ng tinamong malalim na saksak sa kaliwang tagiliran.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?