47

Dec 17, 2017 @ 15:17
By

Red Cross naka-hightened alert kay ‘Urduja’

Nakataas ngayon ang buong puwersa ng Philippine Red Cross sa Hightened Alert dahil sa pananalasa ng bagyong Urduja.

Kasabay nito ay inabisuhan ni PRC Chairman Richard Gordon ang lahat ng kanilang mga First Responders at Community Volunteers na kagyat na kumilos para ayudahan ang mga residente sa mga lugar na dinaanan ng bagyo.

Partikular na nakatutok ang PRC sa mga lugar kung saan may naitalang pagbaha at pagguho ng lupa at may insidente ng storm surge.

Inabisuhan naman ng ahensiya ang mga residente sa mga apektadong lugar na maging mapagmatyag para makaiwas sa anumang kapahamakan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?