Red Cross
By

Red Cross, may payo sa mga sasama sa Traslacion 2018

Sharing is caring!

Para maiwasan ang anumang uri ng insidente, nagbigay ng payo ang Philippine Red Cross sa mga deboto na sasama sa traslacion o prusisyon ng Itim na Nazareno.

Ayon sa Red Cross:

1. Dapat alam ang ruta ng prusisyon.

2. Abisuhan ang pamilya na tiyaking nakasara ang bahay at walang appliances na nakasaksak sa power outlet.

3. Ihanda ang katawan at pag-iisip.

4. Tiyakin na may ID, emergency contact numbers at medical information.

5. Magsuot ng mga kumportableng damit at sapin sa paa.

6. Iwasang uminom ng mga nakakalasing na inumin.

7. Huwag magdala ng mga matutulis at matatalas na bagay.

8. Magdala ng biskuwit, kendi at tubig para iwas dehydration.

9. Iwasan o mag-ingat sa mga bagay na maaaring makasakit gaya ng mga sasakyan.

10. Palaging alamin ang kinaroroonan at kung kasama sa grupo ay magtalaga ng isang lugar kung saan pupunta ang mga mawawala o maliligaw na kasama.

11. Magplano ng ligtas na exit path at alamin ang lokasyon ng mga medical at police stations.

Ayon sa Red Cross, noong nakaraang taon, nakapagsilbi sila ng 2,556 deboto na dumaing ng pagkahilo, hypertension at sprain, maging ng mga nawawalang kasama.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?