160

By

Recycling sa Duterte admin hindi labag sa batas – Gordon

Kinampihan ni Senador Richard Gordon si Pangulong Rodrigo Duterte na binabatikos ng mga taga-oposisyon dahil sa ‘recycling’ o pagbibigay ng panibagong pwesto sa mga opisyal na dawit sa kontrobersiya.

Diin ng senador, wala namang nagbabawal sa pagtatalaga ng pangulo sa mga taong sumasailalim sa imbestigasyon.

“Wala namang batas na ganun. Kung ganun ang nangyayari, wala na tayong maa-appoint. Kakasuhan na lang nang kakasuhan ang mga ‘yan,” dagdag ni Gordon.

Una rito, tinuligsa nina Senadora Risa Hontiveros at Senador Kiko Pangilinan ang pagtatalaga kay dating Customs Commissioner Isidro Lapena sa Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) samantalang nasisisi pa ito sa paglusot ng mahigit isang tonelada ng shabu.

Bago si Lapeña, binigyan din ng mataas na puwesto si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon matapos din itong akusahan nang pagpapabaya sa drug smuggling.

Ayon kay Gordon, natural sa mga lider na gaya ng Pangulo na magtalaga ng mga taong kaniyang pinagtitiwalaan.

“Sa akin, wala pa namang katibayan ‘yan so I will trust the President because he is the one appointing. Pero the President should trust us also na hahanapan namin kung meron. Kung meron, bahala na siya,” ani Gordon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?