50

By

‘Recycling’ ni Aguirre, inupakan ni Hontiveros

Sharing is caring!

Tinuligsa ni Senadora Risa Hontiveros ang nakatakda na umanong pag-upo ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa board ng Social Security System (SSS).

Ayon sa senadora, sa halip na gantimpalaan ng bagong puwesto si Aguirre, dapat ay kinakasuhan pa nga ito.

Wala umano itong ipinagkaiba sa ibang tinanggal ng Pangulo sa isang puwesto dahil sa isyu ng katiwalian o pagkakadawit sa anomalya pero binigyan lang ng bagong puwesto o na-recycle.

“Solid waste lang dapat ang nire-recycle,” ani Hontiveros.

Iniulat nang nominado si Aguirre para makaupo sa board ng SSS.

Nababahala si Hontiveros dahil may isyu ng katiwalian laban kay Aguirre pero itatalaga sa SSS kung saan nakalagak ang bilyon-bilyong pisong kontribusyon ng mga miyembro.

Idinawit si Aguirre sa P50 milyong Immigration bribery scandal pero hindi kasama sa pinakasuhan ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan.

Nakabangayan ito ni Hontiveros dahil nakunan daw nang ‘di sadya ng isang photographer ang text ni Aguirre kay Labor Usec. Jing Paras na sinabihan nito na madaliin ang pagsasampa ng kasong kidnapping laban kay Hontiveros dahil kinuha ang testigo sa isang extrajudical killing case sa Caloocan City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?