119

Oct 5, 2021 @ 21:57
By

Recto tatalon sa Kongreso

Matapos maging senador, target uli ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na maging kongresista.

Nitong Martes ay naghain siya ng certificate of candidacy para sa pagtakbong kinatawan ng Lipa City, Batangas.

Kasalukuyan itong hawak ng asawa niyang si Vilma Santos, na posible naman umanong tumakbo sa Senado.

Bago naging senador ay nagsilbi na ring kongresista si Recto. Siya ang kinatawan ng 4th District ng Batangas mula 1992 hanggang 2001.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?