33

By

Recto mananatiling Senate President Pro Tempore – Zubiri

Sharing is caring!

Maliban sa posisyon ng Senate president at majority leader, wala na ibang posisyon ang maapektuhan sa nalalapit na reorganisasyon sa Senado, ayon kay Senador Juan Miguel Zubiri.

“No he will remain,” pahayag ni Zubiri sa kanyang text message nang tuningin kung papalitan ba si Senador Ralph Recto bilang Senate President Pro Tempore.

Si Zuburi ay inaasahang uupo sa posisyon na ibabakante ni Majority Leader Vicente Sotto III kapag nahalal ito bilang bagong Senate President sa susunod na linggo.

Sinabi ni Senadora Nancy Binay na gusto ng miyembro ng majority block na iluklok si Zubiri bilang susunod na majority leader na dati na niyang pinamunuan noon.

Ikinatuwa naman ni Zubiri ang tiwala sa ibingay sa kanya ng kanyang mga kasama sa mayorya.

“If chosen, I will perform with the same work ethic as I had in the previous 14th Congress were we passed a record number of bills into law at over 600 Republic Acts as well as keeping the integrity of the Senate above and beyond reproach,” sabi ni Zubiri.

“Once again, thank you to my colleagues if the chance is offered to me. God Bless the Senate,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?