477
Recto inendorso si Revilla, 3 kandidato ng opisisyon, 3 reelectionists
By

Recto inendorso si Revilla, 3 kandidato ng opisisyon, 3 reelectionists

Isang miting de avance ang isinagawa ng kampo ni Senador Ralph Recto nitong Sabado (Mayo 4) sa Lipa City, Batangas kung saan ay inendorso ng senador ang election bids ni dating senador Bong Revilla, ng 3 kandidato ng oposisyon, at ng 3 reelectionist senators.

Kasama ni Recto sina dating Interior Secretary Mar Roxas at reelectionist Senators Grace Poe, Cynthia Villar, at Sonny Angara sa naturang miting de avance na pinangunahan ng kaniyang asawa na si Batangas 6th District Rep. Vilma Santos-Recto.

Nang humarap si Recto sa mga botante ay inendorso rin nito ang dalawa pang opposition bet na sina Chel Diokno at Romulo Macalintal, parehong Batangueño na hindi nakadalo sa naturang pagtitipon.

Hindi rin nakadalo si Revilla sa miting de avance ngunit ipinadala nito ang aktor na si Tirso Cruz III bilang kaniyang representative.

“Piling-pili naman yung mga inimbitahan natin, yung mga karapat-dapat. Ang mga Batangueño, magaling pumili yan. Ano man ang kulay ng partido mo, iisang bansa pa rin tayo,” saad ni Recto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?