126

Oct 9, 2021 @ 19:07
By

Recto, Gatchalian ‘di kinalaban sa distrito

Walang kalaban sa pagkakongresista sa kanilang mga distrito sina Senador Ralph Recto at Valenzuela Mayor Rex Gatchalian.

Si Recto ay tatakbong kinatawan ng ikaanim na distrito ng Batangas, kapalit ng asawang si Vilma Santos-Recto, na magpapahinga umano sa politika.

Ayon kay Recto, ipagpapatuloy niya ang pagpapatupad ng kapaki-pakinabang na batas sa Kamara.

Samantala, si Gatchalian ay kakandidatong walang kalaban sa unang distrito ng Valenzuela City.

“Valenzuelanos, maraming maraming salamat sa tiwala at suporta, working for the general public of Valenzuela will always be the greatest honor and privilege of my life,” pahayag ni Gatchalian.

Batay sa datos ng Comelec, noong 2016 ay 546 na kandidato sa lokal na pwesto ang walang kalaban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?