681

By

Recto, Escudero nagulantang sa pagbantay ng pulis, sundalo sa paligid ng Senado

Sharing is caring!

Binatikos nina Senate President Ralph Recto at Senador Chiz Escudero ang patuloy na pagtutok ng mga pulis at sundalo kay Senador Antonio Trillanes IV.

Binigyang-diin ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na wala namang warrant of arrest laban kay Trillanes kaya walang dahilan para abangan at tangkaing dakpin si Trillanes.

“What are they doing there? There is no warrant of arrest?” sabi ni Recto.

Sinabi naman ni Escudero na ‘overkill’ ang mga pulis at militar na nakaabang sa compound ng senado dahil wala namang utos ang anumang korte para dakpin si Trillanes.

“S’yempre concern ‘yun dahil nami-militarize ang institution at establisyamento ng Senado na hindi pa naman dapat,” pahayag ni Escudero.

“Masama lang talagang tingnan kung ika nga overkill yung kanilang ginagawang pagpapakita dito nang wala namang sapat na basehan sa pananaw ko,” pahayag ni Escudero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?