10

Jul 15, 2020 @ 16:29
By

Recto, Drilon sa gobyerno: Utang pa more

Pabor ang dalawang senador na kailangang mangutang pa ang gobyerno para mapondohan ang pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic at pagbuhay sa ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, suportado niya ang panukala at hinikayat ang mga economic manager ng pamahalaan na ikonsidera ito habang mababa pa ang interest rates sa pagpapautang.

“I’m okay with additional borrowings, while rates are still very low. All countries will be borrowing anyway to finance increasing deficit. It’s relative,” sabi ni Recto sa kanyang text message.

“We can increase our borrowings without affecting our credit rating if we spend it properly by improving our ability to combat the virus (health infrastructure) and investing on critical infrastructure (roads, bridges, ICT, green economy etc.) that creates jobs and improves our competitiveness in the long run,” dagdag nito.

Kailangan din aniyang gamitin ng gobyerno ang magandang ‘credit standing’ ng bansa para i-take advantange ang available na credit financial facility.

“What good is having a good credit rating if we don’t use it? Let’s use it wisely,” suhestiyon pa ni Recto.

Pabor din si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa panukalang ito dahil kailangan umano ng bansa ng karagdagang pondo para maibangon ang ekonomiya ng bansa kasabay ng pagtugon sa kasalukuyang health crisis.

“Remember that during this pandemic, our tax collection went down, and therefore, we have no funds,” pahayag ni Drilon sa Kapihan sa Manila Bay online forum.

“But that’s accepted. That is why there is a push to have more funds through borrowings because we really have no other choice,” punto pa nito.

Nauna rito, sinabi ng Department of Finance na umabot na sa $4.83 bilyon ang COVID-19 related borrowing ng Piipinas at naipamahagi na ito sa mga programa ng gobyerno para makontrol ang pagkalat ng virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?