26

Jul 31, 2021 @ 13:57

Recto: Delta variant, utang, unemployment nakalimutan ni Duterte sa SONA

Sa kabila ng mahabang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Senador Ralph Recto na hindi niya narinig kay Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang tungkol sa mahahalagang isyu na kinahaharap ng bansa.

Kabilang aniya sa mga isyu na nabigong banggitin ni Pangulong Duterte ang pagpasok ng Delta variant at muling paglalagay sa Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine simula August 6 at kung paanong diskarte ang gagawin dito.


“So how do we address itong bagong variant na ito? So we expected more discussion on how government will address the pandemic, particularly the new variant. Katulad ng halimbawa, mayroon ba tayong sapat na testing capability sa bagong variant, ‘di ba? Or are we investing in our health infrastructure na ‘yun ang kailangan, nabibigay ba natin nang sapat ‘yung kailangan ng ating mga frontline healthcare workers,” saad ni Recto sa “Balitaan at Kumustahan” ng Politiko.

Ang iba pa aniyang isyu na hindi binanggit ng Pangulo ang recovery plan ng gobyerno para labanan ang tumataas na unemployment at presyo ng bilihin, utang ng bansa at pagsirit ng kahirapan at kagutuman.

“Papaano matutulungan ng pamahalaan ‘yung mga kababayan natin na hindi makakain, walang trabaho. Palagay ko ‘yun ang hinihintay ng ating mga kababayan,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?