32

Aug 17, 2020 @ 17:40
By

Recto: Bayanihan 2 na-chop suey

Kailangang paglaanan ng mas malaking pondo ang health sector sa ilalim ng panukalang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2, ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

Masyado kasi aniyang maraming gustong maabot ang nasabing batas, at para nang ulam na chopsuey ang mga sektor na pinaglaanan ng pondo.

“There are too many things in the Bayanihan 2 bill na palagay ko nagiging chopsuey masyado. We’re trying to achieve too much,” pahayag ni Recto sa panayam sa ANC.

“To me, the most important, again, is that let us give as much resources as we can to the health (sector), to the fight in pandemic. Doon tayo mag-umpisa,” dagdag pa nito.

Sabi ni Recto, kung kinakailangan ng health sector ng P50 bilyon hanggang P100 bilyon, dapat ibigay aniya ito ng mga mambabatas.

“You won’t be able to open the economy, you won’t provide any confidence if we cannot defeat the virus even before a vaccine comes along,” ani Recto.

Sa ilalim ng inaprubahang bersyon ng Bayanihan 2 sa Senado, P10 bilyon lang ang inilaan para sa COVID-19 testing at iba pang helath care services.

Mahigit P50 bilyon naman para capital ng government financial institution habang ang iba ay para subsidiya at iba pang tulong para sa mga nagsarang mga industriya.

Sabi ni Recto, hindi naman kontra sa alokasyon para sa ibang sektor para dapat aniyang dagdagan ang para sa health sector.

“Don’t get me wrong. I support all that. But we’re trying to accomplish too much with too little. The most important is our response to the health crisis,” paliwanag ni recto.

Sabi pa ni Recto, dapat magdalaan ng budget para sa pag-hire ng dagdag pang mga medical worker.

“We have to increase the number of our frontliners, our health workers. Hire more. We’re going to war. We’ve been at it for five months now. So hire as many as we can, pay them properly, pay them well, make sure we protect them properly,” sabi ni Recto.

“Ensure that we are able to test as many as possible, trace as well and ensure that we have the critical care facilities, Magkano kaya ang gagastusin natin diyan? Palagay ko baka kulang what is allocated right now in Bayanihan,” sambit pa nito.

Kasalukuyan pang isinasagawa ng bicameral conference committee para sa hindi mapagkasunduang mga probisyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa Bayanihan 2.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?