118

Jul 31, 2021 @ 11:54

Recto: Bagong pangulo mas OK kung bata

Para kay Senador Ralph Recto, mahalagang katangian na dapat mayroon ang susunod na pangulo ay pagiging bata.


“Ako, sa tingin ko importante rin ‘yung bata ngayon sa magiging pangulo eh,” pahayag ni Recto sa panayam sa “Balitaan at Kumustahan” ng Politiko.

Tugon ito ni Recto sa tanong kung masyado pa bang bata si Manila Mayor Isko Moreno para tumakbo sa mataas na posisyon sa gobyerno.

Pero ani Recto, bentahe ito ni Moreno.

“Sa dami ng problema ng ating bansa you need to be energetic ‘no, so I think that’s an advantage also of Mayor Isko na bata pa siya. At nakikita natin sa Manila dahil bata pa siya, natutulog ‘yan sa city hall eh,” paliwanag pa ni Recto.

Sinabi rin ni Recto na hindi maikakaila na ang mga batang politiko sa lalong madaling panahon ay siya nang hahawak sa matataas na posisyon sa gobyerno.

“Mayroon na kaming mga na-develop na lider na rin sa lalawigan ng Batangas ‘di naman kami lagi nandidito, dadating ang panahon na magre-retire rin kami at siguraduhin namin na ‘yung papalit sa amin, mas magaling sa amin,” saad ni Recto.

“So ganoon din sa national, ganoon din dapat tayo mag-isip na bigyan naman din natin ‘yung iba, let’s make sure na they’re well-equipped to lead the (inaudible) of government, mag-lead sa mga dadating na panahon,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?