73

Dec 15, 2017 @ 19:05
By

Recruitment ng natitirang Maute-ISIS lumalakas – AFP

Mas naging pursigido umano ang mga natitirang galamay ng Maute-ISIS terror group sa kanilang recruitment sa mga kalapit-bayan ng Marawi City target ang mga bata at mga kabataan.

Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Col. Edgard Arevalo sa Bangon Marawi briefing kahapon sa Malacañang.

Ayon kay Arevalo, malaking salapi ang iniaalok ng mga terorista at ginagamit din ang social media sa kanilang panghihikayat sa mga bagong recruit.

Nakakatanggap rin aniya sila ng report sa mga mamamayan kaya tuloy tuloy ang military operations para matiyak na hindi magtatagumpay ang mga natitirang galamay ng mga terorista.

“May namomonitor tayo sa municipalities around Marawi–the immediate vicinity of Marawi. Dito natin nakita yung nag-iintensify pa rin sila in the sense na hindi pa rin sila humihinto sa kanilang ginagawang recruitment . May mga offer sila na financial renumerations, and of course ang social media ay patuloy pa rin nilang ginagamit sa kanilang recruitment activities,” ang pahayag ni Arevalo.

Batay aniya sa record ng AFP, ang grupo ay pinamunuan ng Abu Turaife, may 22 na-identify na miyembro ito at pinaniniwalaang nakatakas sa Marawi partikular sa mga lugar na hindi nadiskubre ng mga tumutugis na mga sundalo noong kasagsagan ng giyera sa Marawi City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?