71

Feb 19, 2018 @ 10:34
By

ISIS leader-recruiter, Pinay GF inaresto sa Maynila

Dinakip ng pinagsanib ng puwersa na pulis at miltar ang isang pinaghihinalaang lider ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS terrorist group sa kanilang isinagawang operasyon nitong weekend sa Maynila.

Kinilala itong si Fehmi Lassoued alyas John Rasheed Lassoned isang Egyptian na nadakip sa kanyang tinutuluyang aparment nang magsagawa ng search operation ng Regional Police Intelligence Operations Unit nang magisyu ng search warrant ang Regional Trial Court Branch 139 ng Makati City.

Kinumpirma mismo ni PNP Chief Police Director General Ronald Dela Rosa na ng ISIS terrorist group ang naarestong suspek.

Sa katunayan aniya nagtangka pa itong magsagawa ng serye ng pagpapasabog dito sa bansa.

Nakuha sa suspek ang ibat -ibang baril, bala, mga components sa paggawa ng improvised explosive device.

Buwan ng Hulyo ng nakalipas na taon nang makapasok sa bansa ang terorista gamiot ang pekeng passport.

“On going pa investigation, malalaman natin yan, pumasok sya dito mid July of 2016 via Iran with fake passport”, sinabi ni Dela Rosa.

Patuloy na isinasailalim ngayon sa interogasyon ang suspek, upang matukoy ang mga ka-transaksyon nito sa bansa partikular kung may nagpapatuloy na ring recruitment sa Luzon lalot naaresto ito dito sa Metro Manila.

“ Yung link nya sa Marawi is still being determined but suffice it ot say na yung kanyang presence nalaman nati through our foreign intelligence counterparts, with the AFP”, sinabi ni Dela Rosa.

Bukod kay Lassoued nadakip rin ang girlfriend si Anabel Moncera 32 anyos tubong Upi Maguindanao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?