220
Record sa supalpal sa UAAP volley, binasag ni Madayag
By

Record sa supalpal sa UAAP volley, binasag ni Madayag

Halimaw sa pagdepensa sa net si Maddie Madayag ng Ateneo de Manila University (ADMU) Lady Eagles nang basagin ang blocks record para sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament.

Dahil ditto, hinirang bilang Player of the Week si Madayag nang dispatsahin ang 11-year record ng UAAP na 9 blocks na hawak ni former Lady Spiker Celine Hernandez noong Season 70.

Humataw ng 11 supalpal noong Marso 20 ang veteran middle blocker tungo sa career-high 23 points laban sa UST Golden Tigresses 19-25, 22-25, 27-25, 25-22, 15-11.

Ikatlo si Madayag mula sa Lady Eagles na nakasungkit ng PoW honors na una nang nakamit ni Kat Tolentino at Bea de Leon

.

“I’m speechless, I don’t know what to say,” giit ni Madayag. “I just played my game, and contributed whatever I can for the team, and I just gave it my all.”

Kasalukuyang nasa tuktok ng liderato ang Ateneo bitbit ang 7-1 win-loss record at susunod na makakatapat ang UP Lady Maroons sa Sabado, Marso 30, para sa Battle of Katipunan sa Mall of Asia Arena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?