8

Aug 5, 2020 @ 19:26
By

Record ni Robertson tinabunan ni Doncic

MULING umukit ng NBA history si Dallas Mavericks sophomore guard Luka Doncic.

Humarabas ang Slovenian baller ng triple double na 34 markers, career-high 20 caroms at 12 feeds sa 114-110 overtime win ng Dallas kontra Sacramento Kings kahapon sa pagpapatuloy ng 2019-2020 NBA season sa Disney World sa Orlando, Florida.

Dahil dito, nagging pinakabatang player sa kasaysayan ng NBA si Doncic na kumana ng higit 30 points, 20 or more rebounds at lampas 10 assists sa edad na 21 taon at 158 araw.

Tinabunan niya ang record ni Oscar Robertson na 23 taon at 12 araw.

“We needed that,” sey ni Doncic

“We played, I think, one of the worst games ever and we won. We didn’t play good. We still hang in there, help each other, never give up. I’m proud of the win.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?