20

Apr 16, 2020 @ 20:18
By

Record ng COVID-19 patients buburahin na

Walang ibang hangad ngayon si National Task Force COVID-19 spokesperson Restituto Padilla kundi ang mapababa ang listahan o bilang ng mga pasyente ng COVID-19.

“Ang hangarin po natin is to flatten the curve sa NCR dahil ito po ang sentro ng karamihan sa kaso ng COVID-19 sa ating bansa,” pahayag ni Padilla.

At ang nakikita aniyang solusyon para bumaba ang kurba ng record ay ang paulit-ulit na paalalang ‘stay home’.

“Mamalagi po tayo sa ating mga tahanan hangga’t hindi pa sinasabi ng pamahalaan na nagtapos na po ang enhanced community quarantine.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?