19

Sep 11, 2021 @ 17:37
By

Record nanaman! Bagong COVID cases 26K

Naitala ngayong Sabado ang 26,303 bagong COVID cases sa bansa, na siyang bagong pinakamataas na bilang ng kaso na naitala sa isang araw.

Ang naturang bilang ay malayo sa unang record na 22,820 na naitala noong Huwebes lamang.

Dahil dito, umakyat sa 2,206,021 ang lahat ng naitalang kaso sa bansa, habang 185,706 ang mga aktibong kaso.

Sa mga aktibong kaso, 85.3% ang mild habang 10.25 ang asymptomatic.

Nadagdagan ang mga namatay ng 79 at ngayo’y 34,978.

Ang bilang naman ng mga gumaling ay 1,985,337 matapos makarekober ang 16,013 pasyente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?