184

Jul 5, 2020 @ 20:32
By

Record-high sa COVID! ‘Pinas headline sa Thailand

Bida ang Pilipinas sa isang pahayagan sa Thailand, ngunit hindi dahil sa magandang balita.

Sa report ng Bangkok Post, kasama ang Pilipinas sa headline dahil sa record-high na COVID-19 single day case nitong Linggo.

Umabot sa 2,434 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 ngayong araw, dahilan para sumirit sa 44,254 ang total case sa bansa sa pagtatapos ng unang linggo ng Hulyo.

Bukod pa dito, kasama din ang Indonesia sa balita dahil sa 82 na bagong nasawi sa coronavirus, pinakamataas naman sa naturang bansa.

Ayon sa health ministry ng Indonesia, umabot na sa 3,171 ang death toll sa COVID-19 sa kanilang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?