207

Dec 29, 2017 @ 19:19
By

Record high rating ng Kamara, dahil sa Sereno impeachment – Fariñas

Suportado ng mga tao ang impeachment proceedings sa Kamara laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Iyan daw ang ipinapakita ng record high rating ng Mababang Kapulungan sa pinakahuling Social Weather Stations (SWS) survey.

Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, ibig lamang sabihin na aprubado ng mga tao ang isinasagawang mga pagdinig ng House committee on justice hanggang bago mag-adjourn ang Kongreso para sa Christmas break.

“The people approve our Sereno impeachment hearings,” ani Fariñas.

Sa SWS survey, nakakuha ang Kamara ng net satisfaction rating na +43, mas mataas ng 9% noong Setyembre at pinakamataas simula noong 1988.

Sabi ni Fariñas, indikasyon din ito na na-appreciate na ng mga tao ang ginagawa ng mga kongresista, gayundin ang reporma at disiplinang ipinatupad ng liderato ni Speaker Pantaleon Alvarez.

Ang tinutukoy nito ay ang “no tardiness and no travel” kapag may sesyon ang Kongreso.

Gayundin sa paggalang ng kapulungan sa preventive suspension orders na ipinalalabas ng Sandiganbayan laban sa mga miyembro at ang paninindigan naman sa kapangyarihan nitong mag-isyu ng contempt orders sa mga hindi kumikilala sa kanilang subpoena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?