9

Mar 5, 2021 @ 18:48
By

Record high! 3,045 bagong nagpositibo sa COVID-19

Sumirit sa 40,074 ang active case ng coronavirus sa Pilipinas matapos makapagtala ngayong Biyernes ng record high na 3,045 bagong tinamaan ng virus.

Ayon sa Department of Health, pumalo na sa 587,704 ang total tally ng COVID-19 case sa Pilipinas.

Panibagong 178 pasyente ang gumaling habang 19 ang nasawi.

Dahil dito, akyat sa 535,207 ang kabuuang nakarekober sa virus habang 12,423 ang death toll.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?