31

Record breaking ng ‘The Simpsons’, nabahiran ng kontrobersiya

Sharing is caring!

Inaakusahan ngayon ng racism ang American sitcom na “The Simpsons”.

Ayon sa ulat, isang karakter ng sitcom ang bahagi ngayon ng kontrobersiya, sa kabila na nakapagtala ang “The Simpsons” ng record na “most episodes in a primetime scripted series on American TV”.

Binasag ng 636th episode ng Simpson family noong Linggo ang record ng Western drama na “Gunsmoke” na natapos lang na may 635 episodes noong 1975.

Bida sa “The Simpsons” si Homer, at asawang si Marge, at mga anak na sina Bart, Lisa at Maggie.

Ang karakter na si Apu Nahasapeemapetilon ay manager ng Kwik-E-Mart convenience store, isang Indinal national, na binibigyang-buhay ng boses ng white actor na si Hank Azaria.

Sa dokumentaryo ni Hari Kondabolu, isang comedian ng Indian origin, tinuligsa nito ang accent at ilan pang gawi ng karakter na si Apu.

Tumanggi naman si Azaria at ang “Simpsons”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?