11

Oct 12, 2020 @ 9:42
By

Record-breaker na tamaraw patay na

Ngayong Tamaraw conservation month, sumakabilang-buhay na ang unang tamaraw na sinilang sa pagkabihag na si Kalibasib.

Si Kalibasib, na ang pangalan ay acronym para sa “Kalikasan bagong sibol”, ang tanging tamaraw na nabuhay nang higit dalawang dekada sa ilalim ng isang government program na layong i-captive-breed ang nasabing hayop, na critically endangered na.

Nabuhay siya nang 21 taon hanggang nitong Sabado, Oktubre 10, 2020. Ang average life span ng nasabing hayop ay nasa 20 hanggang 25 taon.

Napaulat na ayon sa paunang findings ng mga veterinarian, ang sanhi ng pagpanaw ni Kalibasib ay old age.

Mailap ang mga tamaraw pero lubhang nanganganib dahil sa mga illegal poacher.

Sa ngayon, nasa 600 na lang ang populasyon ng mga tamaraw sa Mindoro island.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?