539

Nov 4, 2017 @ 16:38

Reclamation project sa Manila Bay, aprubado na ni Erap

Inaprubahan ni Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada ang bilyong pisong reclamation project sa Manila Bay.

Ang proyekto ay tinawag na “Manila Waterfront City”, sa isang 318-ektaryang commercial district malapit sa baybayin ng Roxas Boulevard, ang ika-apat na reclamation project sa ilalim ng termino ni Estrada.

“Reclamation projects are the cornerstone of our urban renewal program,” pahayag ng alkalde matapos siyang lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) kasama sina Philippine Reclamation Authority (PRA) Chairman of the Board Alberto Agra, General Manager Janilo Rubiato at Waterfront Manila Premier Development Inc. (WMPD) President Kenneth Gatchalian sa City Hall.

“They translate to more lands, better infrastructure, more businesses and more jobs, increased revenues, and better opportunities for all,” ani Estrada.

Nabatid na ang naturang commercial area ay pagtatayuan ng mga commercial at residential buildings, mga hotel at entertainment facilities, gayundin ng mga amusement parks, medical centers, government offices, mga paaralan at iba pang mga establisyimento at pasilidad at higit sa lahat, isang pier para sa mga international cruise ships.

Noong Hunyo, lumagda rin si Estrada sa isang MOU para sa isa na namang reclamation project – ang 419-ektaryang “Horizon Manila” na pinakamalaki na ngayon sa Manila Bay at nagkakahalaga ng P100 bilyon.

Ang dalawa pang reclamation projects na inaprubahan kamakailan lang ay ang “New Manila Bay International Community” (407.2-ektarya) ng UAA Kinming Group Development Corp. at ang P7.4-billion expansion ng Manila Harbour Centre sa Tondo na gagawin nang R-II Builders, Inc. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?