20

Aug 3, 2021 @ 19:55
By

RECAP: Kaganapan sa NBA Free Agency

Ang Free Agency ay ang inaabangan ng mga team owners sa NBA, hindi lamang ng mga fans. Kaya naman alamin kung saan napunta ang ilang makikinang na pangalan sa unang araw ng free agency.

Mananatili sa kanilang mga koponan sa nakaraang season sina Chris Paul (Phoenix), Jarrett Allen (Cleveland), Norman Powell (Portland), Duncan Robinson (Miami), Tim Hardaway Jr. (Dallas), Mike Conley (Utah), Gary Trent Jr. (Toronto), Richaun Holmes (Sacramento), TJ McConnell (Indiana), Will Barton (Denver), Nerlens Noel (New York), Alex Burks (New York), Cameron Payne (Phoenix), Bobby Portis (Milwaukee), Nic Batum (Clippers), Derrick Rose (New York), Blake Griffin (New Jersey), at Shai Gilgeous-Alexander (OKC).

Samantala, sa ibang koponan naman pumirma ng kontrata sina Kyle Lowry (Miami), Lonzo Ball (Chicago), Evan Fournier (New York), Devonte Graham (New Orleans), Doug McDermott (San Antonio), Kelly Olynyk (Detroit), Alex Caruso (Chicago), Daniel Theis (Houston), Reggie Bullock (Dallas), Zach Collins (San Antonio), PJ Tucker (Miami), Jeff Green (Denver), JaVale McGee (Phoenix), Otto Porter (Golden State), Cody Zeller (Portland), at sina Trevor Ariza, Kent Bazemore, Wayne Ellington at Dwight Howard (LA Lakers).

Hindi pa sinama sa listahan ang iba pang manlalaro.

Bukod dito, inaasahan sa mga susunod na araw na patuloy ang galawan ng mga manlalaro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?