38

Oct 4, 2021 @ 17:21
By

Rebisco-PH pinapak ng Nakhon Ratchasima

Sinubukang pumalag ngunit walang nagawa ang Rebisco-Philippines sa tikas ng Nakhon Ratchasima QminC ng Thailand, 11-25, 19-25, 18-25, sa quarterfinals ng 2021 Asian Women’s Club Volleyball Championship ngayong Lunes.

Nakatikim ng sandaling ligaya ang mga Pinay nang lumamang sa third set, 11-10, ngunit muling umarangkada ang home squad upang iselyo ang kanilang panalo.

Bumuga ng 46 attack points ang Ratchasima sa pangunguna nina Kuttika Kaewpin at Chatchu-on Moksri, samantalang 27 attack points lang ang naibuhos ng Rebisco sa kabila ng pagsisikap nina Dindin Manabat, Aby Maraño at Kamille Cal.

Bukod dito, namigay pa ang Rebisco ng 22 points mula sa kanilang unforced errors.

Abante sa semis ang Ratchasima habang laglag sa classification phase ang mga Pinay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?