59

Dec 13, 2017 @ 14:00
By

Rebelyon sa Mindanao, hindi tumigil – Lorenzana

Mariing idinepensa ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa joint session ng Senado at Kamara ang hinihingi nilang isang taong dagdag sa pagpapairal ng martial law sa Mindanao.

Ayon dito, nagpapatuloy ang rebelyon sa Mindanao at nagre-recruit pa ng mga bagong myembro ang mga rebelde at terorista roon matapos mapatay ang mga lider ng Maute Group at Abu Sayaff Group.

“Rebellion has not stopped. It just moved ti another place. They are actively recruiting Muslim youth in the area,” ayon kay Lorenzana.

Tugon ito ng kalihim sa pahayag ni Senate minority leader Franklin Drilon na nagsasabing walang nagaganap na rebelyon sa Mindanao kaya walang basehan ang pagpapairal at ang pagpapalawig pa ng martial law.

Meron lang aniyang banta na manggugulo ang mga terorista.

Idiniin ni Drilon na maliwanag sa Konstitusyon na rebelyon at pananakop ang batayan ng martial law. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?