67

Jan 14, 2020 @ 15:36
By

Rebelde todas sa engkuwentro sa Camarines Norte

Patay ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa naganap na engkuwentro kontra sundalo at kapulisan nitong Enero 14 ng umaga sa bayan ng Labo, Camarines Norte.

Sa ngayon ay inaalam pa ang pagkakakilanlan ng napatay na rebelde matapos itong iwan ng kanilang mga kasamahan nang masawi sa naganap na labanan dakong alas-sais ng umaga sa Barangay Sabmakin ng nabatid na bayan.

Base sa ulat ng Southern Luzon Command, rumesponde ang pinagsanib na puwersa ng 96th Infantry Battalion troopers at 2nd Provincial Mobile Force Company sa Barangay Sabmakin matapos na isang ulat ang kanilang natanggap mula sa isang concern citizen hinggil sa presensya ng mga rebelde sa lugar.

Doon nagpang-abot ang dalawang grupo dahilan ng naganap na engkuwentro na tumagal ng may 45 minuto.

Matapos ang sagupaan ay bumungad sa lugar ang bangkay ng isang rebelde habang wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa panig ng gobyerno.

Bukod dito ay nakakuha pa ang tropa ng pamahalaan ng dalawang malalakas na kalibre ng baril sa isinagawang clearing operation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?