42

Dec 30, 2019 @ 15:17
By

Real Gold kinapos kay Shanghai Grey

Binigo ng tersero liyamadong si Shanghai Grey ang top favourite na si Real Gold sa naganap na Chairman’s Cup Linggo ng hapon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Rumagasa sa unahan si Shanghai Grey paglabas ng aparato upang hawakan agad ang tatlong kabayong distansiya sa backstretch.

Lumayo pa sa limang kabayo ang lamang papasok ng far turn kaya naman nagsisisgawan na ang mga kareristang nakataya kay Shanghai Grey.

“Walang nakadikit sa amin kaya nakapagpahinga kami, pero sinisilip ko na si Real Gold bandang far turn baka kasi bigla kaming bulagain,” pahayag ni class A jockey Kelvin Abobo.

Sa home turn, nasa apat na kabayo pa ang bentahe ni Shanghai Grey kaya hindi na nakadikit si 1st at 3rd Leg Triple Crown ruler Real Gold.

Nirehistro ni Shanghai Grey ang 2:03 minuto sa 2,000 meter race, nagwagi ito nang may apat na kabayo ang agwat sa sumegundong Real Gold.

Nahamig ng Shanghai Grey ang P1.2M, napunta kay Real Gold ang P450,000 habang nahamig ng The Accountant at Weather Lang ang tig P250,000 at P100,000 ayon sa pagkakasunod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?