27

Jun 5, 2020 @ 16:44
By

Real estate sector malalagpasan ang epekto ng pandemic, ayon sa mga eksperto

Sa panahon kung kailan lubhang tinamaan ang mga economic sector ng bagong coronavirus disease 2019 (COVID-19), nagawang manatiling nakatindig ng real estate sector dahil sa pangako nitong magandang balik sa mga investor.

Ito ang pagtatasa ng property consultancy firm na KMC Solutions, batay sa pinakabagong survey na isinagawa ng global public opinion at data company na YouGov.

Sa pag-aaral, nabanggit din na ang real estate ang ikatlo sa pinakaligtas na pamumuhunan sa sinumang gustong mapalago ang kanilang yaman, sumunod sa ginto at certificates of deposit.

“Real estate investment is a good idea to diversify your investment portfolio. Equities are much more volatile and carry more risk in general, and real estate can help manage volatility and risk and make your investments more efficienct. Property gives owners flexibility on how to earn—it is not just about buying or selling. Investors can remodel or renovate for rentals or for lease among many other options,” paliwanag ni Amanda Carpo, co-founder ng KMC Solutions.

Ayon sa KMC, ang patuloy na demand para sa residential developments ay kabilang sa pangunahing growth driver ng sektor habang nagpapatuloy ang laban sa pandemic.

Makakatulong ito sa negatibong epekto ng COVID-19 sa iba pang property segment gaya ng hotel, hospitality at retail.

“Condominiums have na advantage over other real estates as developers situate their properties in areas where the projected demand is already strong. This partnered with the attractive amenities and potential for market appreciation,” dagdag ni Carpo.

Samantala, sinabi ng real estate consultancy firm na Lobien Realty Group (LRG) ang mga promising prospect para sa residential segment ng property sector ng Pilipinas.

Pagbubunyag ng LRG, sa Metro Manila pa lang, kabuuang 15,500 residential units ang madadagdag sa kasalukuyang imbentaryo nitong taon. Malaking bilang din umano ang under construction na tutugon sa mid-end market (presyong nasa pagitan ng P6 million hanggang P9 million).

Isa pang real estate expert na si Prof. Enrique Soriano III, executive director ng Wong + Bernstein Advisory Group, ang nagbigay-diin sa kapasidad na makabawi agad at abilidad ng property sector na magbigay ng solusyon sa pangunahing pangangailangan: ang demand sa pagbuo ng pabahay.

“Behaviorally, in any downturn, the real estate market will naturally correct itself. In due time, it will start picking up again. The upside is clear: it is a very resilient sector struggling to cover more than 6 million housing units; all these housing requirements are based on real demand,” ani Soriano.

Kabilang sa idiniing importante sa enhanced communtiy quarantine period ang township developments na maglalagay ng residential, office, at retail components.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?