827
Reaksiyon ni Kris sa malakas na lindol, nag-viral
Apr 23, 2019 @ 19:16
By

Reaksiyon ni Kris sa malakas na lindol, nag-viral

Nakunan ng camera ang reaksiyon ni Kris Aquino habang yumayanig ang malakas na lindol noong Lunes at nasa gitna siya ng interview.

Sa viral Facebook video, makikita si Kris habang ini-interview nang biglang lumindol.

“May lindol. And nawalan na ng kuryente. Umuwi na tayo. I want to go home — my sons — because nasa fault line kami. Malakas ‘yon. My God my house. Check si Bimbs and si Kuya,” saad ni Kris.

Sinabihan pa niya ang kanyang mga staff na i-check ang kanilang bahay lalo na ang mga anak niyang sina Josh at Bimby.

“Check niyo sa bahay ha. How are they? Check the two kids. Ayun talaga ang unang reactions, tumawag sa bahay to check the kids,” sabi ni Kris.

Natakot din si Kris na baka bumagsak sa mga anak niya ang bagong bili niyang TV kung naglalaro ang mga ito ng video games.

“‘Yung games! Baka nag-topple over ‘yung bagong TV!” ani Kris sa kanyang staff.

Nagbiro rin si Kris na katapusan na ng mundo pero masaya siya dahil nabili na niya ang lahat ng Chanel products na gusto niya.

“It’s the end of the world na, I’m telling you. Buti nalang binili ko na lahat ng Chanel na gusto ko. At least na-experience ko siya. Buwiset, laki pa ng tax na binayaran ko. Sana pala inevade ko na lahat ng ginastos ko,” biro ni Kris.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?