44

Oct 25, 2017 @ 13:36

Ready, Set, Repeat?

Game 6 ngayon (Philippine Arena, Bocaue)
7 p.m. – Ginebra vs. Meralco

Abot-kamay ng Ginebra ang repeat title sa PBA Governors Cup, pero kung susumahin ay napakalayo pa rin.

Siguradong hindi basta titiklop ang Meralco.

Pagkatapos ng 85-74 win ng Gin Kings noong Linggo sa Philippine Arena ay lumamang ang hukbo ni Tim Cone 3-2 sa best-of-seven series.

Sa pagbabalik ng Game 6 mamaya sa parehong venue sa Bocaue, Bulacan, paniguradong babalikwas ang Bolts para humirit ng winner-take-all Game 7 sa Biyernes sa parehong lugar.

Kahit si Cone, aligaga na magsalita kung kakayanin na ng kanyang team na sikwatin ang back-to-back titles ng season-ending conference. Kinalos ng Gins ang parehong Meralco squad ni Norman Black sa anim na laro din sa kampeonato noong isang taon.

Nakauna ang Gins sa series 2-0 pero kinuryente ng Bolts ang sumundo na dalawang laro.

“Not much to say at this point.  Saying is a lot less important than the doing,” pahayag ni Cone. “Meralco has shown their ability to bounce back earlier in the series and we expect to see that in Game 6. We know we’ll have to scratch and claw to close this in 6. I believe we’re up for the challenge.”

Kailangan ituloy ng Ginebra ang pagiging agresibo sa parehong dulo ng court, ayon kay LA Tenorio.

“I think that’s really the key,” sabi ng Kings point guard.  “Hopefully next game, madala namin ‘tong aggressiveness na ‘to. We know na what to do, so we did what we’re supposed to do. Next game, we’ll bring it.”

Handa rin ang Ginebra na makontra anumang adjustments sa laro ang gagawin ng Meralco.

“For sure, they’re going to adjust, so we just have to double our effort if we want to close out the series,” pahayag ni Tenorio. (Clarence Constantino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?