64

By

‘Ready Set Go’ ikinasa para kay Bong Go

Sharing is caring!

Inilunsad ngayong Miyerkoles ang “Ready Set Go” movement para hikayating tumakbo sa pagka-senador si Special Assistant to the President Christoper Lawrence ‘Bong’ Go.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, ang “Ready Set Go” ay inisyatiba ng mga kaibigan ni Go na naniniwalang dapat tumakbo sa Senado ang kanang-kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Naniniwala si Andanar na kaya ni Go ang tungkulin sa Senado dahil sa karanasan nito ng mahabang panahon kay Pangulong Duterte.

Mula aniya noong alkalde ang Pangulo at ngayon ay pinakamataas na opisyal ng bansa ay kasa-kasama si Go kaya’t mahaba na ang karanasan nito sa gobyerno.

“Itong movement na ‘Ready Set Go’, ito po ay isang movement na ginawa ng mga kaibigan ni Special Assistant to the President Bong Go para siya ay hikayatin na tumakbong senador. Ito po ay hindi initiative ng Malacañang, ito po ay initiative ng mga kaibigan ni SAP Bong, at iyong mga kaibigan niya na naniniwala na talagang dapat siyang maging senador,” ani Andanar.

Sinabi pa ng kalihim na kitang-kita ang dedikasyon ni Go sa public service kaya’t maaari itong maging ganap na lingkod-bayan sa Senado.

“Iyong kaniyang dedikasyon na ipinakita niya sa ating mahal na Pangulo noong siya ay Mayor, Vice Mayor, Congressman dahil iyong public service na ipinakita ni Bong, at kita ko naman din sa labing-siyam or dalawampung buwan na katrabaho ko si SAP Bong, iyong kaniyang hindi matatawarang dedikasyon sa public service. So I think with his character, very humble at very dedicated sa public service. Sa palagay ko, bagay na bagay siyang maging senador,” dagdag pa ni Andanar.

Ang launching ng “Ready Set Go” ay ginawa sa Ilustrado Restaurant sa Intramuros sa lungsod ng Maynila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?