88

Oct 15, 2017 @ 14:56

Ready na sa tigil-pasada bukas — Erap

Nakahanda na ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa ikakasang transport strike ng mga jeepney operator at drivers bukas.

Bunsod nito, kanila nang inalerto ang emergency units para ayudahan ang mga commuter na maaapektuhan ng tigil-pasada.

Tiniyak ni Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada na magde-deploy sila ng mga trak, ambulansiya at rescue teams sa mismong araw ng strike at nakahanda na rin ang kanilang mga security personnel.

Nakaantabay na rin aniya ang mga sasakyan ng Manila City Hall at Manila Police District para magsakay ng mga mai-stranded na pasahero.

Naka-full alert din maging ang Manila Traffic and Parking Bureau para pangasiwaan naman ang pagmamando sa trapiko.

Tiwala naman ang alkalde na hindi tuluyang mapaparalisa ng tigil-pasada ang buong Metro Manila. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?