2,779

Jul 22, 2021 @ 11:00
By

Ready na sa Miss U PH! Kisses pinasilip pagrampa

Kita ang tuwa sa mukha ni Kisses Delavin matapos siyang mapasama sa official delegate para sa Miss Universe Philippines 2021.

Sa Instagram post ni Kisses, nagpatikim ang ‘Pinoy Big Brother’ alumna sa kanyang pagrampa at pag-ikot.

Sey ni Kisses, muli niyang mae-experience na magsuot ng heels at magagandang dress dahil sa naturang beauty pageant.

“I’ll get to enjoy the small joys in life like heels and pretty dresses again at the Miss Universe Philippines!” ayon sa aktres.

Nagpasalamat din si Kisses sa kanyang mga tagasuporta at pageant fan.

“Salamat po Kissables and pageant fans and Filipinos sa lahat ng pagmamahal at pagsuporta! Samahan niyo po ako sa journey ko sa #MissUniversePhilippines!” wika pa ni Kisses.

Bukod kay Kisses, sali din sa Miss Universe Philippines ang dating ‘Asia’s Next Top Model’ winner na si Maureen Wroblewitz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?