255

Jan 1, 2018 @ 10:47
By

Rayver pinasalamatan si Janine sa magandang 2017!

Kailan lang sinabi ni Rayver Cruz na hindi pa sila ni Janine Gutierrez at naghihintay pa lang sya na sagutin siya nang dalaga ni Lotlot De Leon.

Pero sa mensahe ni Rayver sa kanyang Instagram wall, na may tatlong mood shot ni Janine na kuha sa isang train station walang dudang nalulunod sa pag-ibig nya sa Kapuso star ang Kapamilya hunk.

Sa tatlong photo posting na ito ni Rayver, ang lahat ay pawang shot ni Janine na naka-white trench coat habang naglalakad sa loob ng train station.

Ipinagpapasalamat ni Rayver kay Janine ang kagandahan nang 2017 sa buhay nya.

@rayvercruz, “thank you for making 2017 a whole lot better.”.

May ilang buwan na mula nang sumigaw ang tsismis na nililigawan ni Rayver si Janine, at inamin nga nang huli sa pinakahuling interview namin na patuloy pa rin ang panliligaw nya sa anak nina Lotlot De Leon at Ramon Christopher.

Tuwang-tuwa si Rayver sa nalamang sagot sa interview kay Janine na sinabi nitong “masaya”siya sa piling ng aktor.

Sa mensahe ni Rayver hindi lang para kay Janine kundi para sa kanyang new year, mukhang official nang nagkatuluyan ang dalawa.

Ito ang inaasam-asam ni Rayver na mapasakanya bago matapos ang taon o isa sa mga Christmas gift na gusto nyang matanggap, ang matamis na ‘oo’ ni Janine. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?