25

By

Rayver pinaghahandaan ang halikan kina Kris, Thea

Sharing is caring!

Flattered ang bagong Kapuso leading man na si Rayver Cruz dahil sa pag-amin ng kanyang leading lady sa bagong GMA afternoon prime teleserye na ‘Asawa Ko, Karibal Ko’ na si Kris Bernal na naging crush siya nito.

Para kay Rayver, mas madali raw na maging kumportable siya kay Kris dahil noong una raw ay medyo na-intimidate siya rito.

“Other than our scenes together sa teleserye, may iba na kaming napag-uusapan.

“Si Kris kasi, she’s very open at nakakatuwa siyang magkuwento.

“Sinabi niya sa akin na since Anime days ko pa ay crush na crush niya ako. Nakakatuwa, nakaka-flatter iyon para sa akin.

“Kaya mas nakatulong iyon na maging comfortable ako with her. Lalo na sa first taping day namin, ang ganda ng flow ng eksena. Kasi hindi kami naiilang sa isa’t isa.

“Prior to that, nagkaroon din kami ng acting workshop na magkakasama kaya mas nakapag-build up iyon ng magandang bonding namin,” ngiti pa ni Rayver.

Hindi lang kasi si Kris ang mahahalikan ni Rayver sa teleserye kundi pati rin si Thea Tolentino.

“Parang ang suwerte ko naman masyado! Dala-dalawa agad ang leading ladies ko, ‘di ba?

“Hindi ko naman masyadong inaabangan ang mga kissing scenes, medyo makakapaghintay naman ako.

“Bagong mga leading ladies ko kasi sina Kris at Thea, so ayoko ring magkamali sa mga eksena ko with them.

“Maraming big dramatic scenes sa story kaya iyon ang paghahandaan namin. Pagkatapos no’n ‘yung kissing scenes na ang paghandaan!” natatawang pagtapos ni Rayver Cruz na napapanood din sa Studio 7.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?