226

Feb 24, 2020 @ 19:16
By

Rayver pasikat sa Wish Olympics

Ginulat ni Rayver Cruz ng Team Celebrity ang PBA Legends at UNTV Players matapos pabagsakin ang kalaban, 102-101, nitong Linggo sa Wish Olympics na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Nagpakalat ng 23 points ang artist player na si Rayver upang pangunahan ang celebrity squad sa palarong inorganisa ng Wish 107.5 mula sa pangunguna ni president at CEO Dr. Daniel Razon upang tulungan ang mga pamilyang naapektuhan sa Taal Volcano noong nakaraang buwan.

Umambag rin ng tig-17 puntos sina actor Axel Torres at singer Young JV upang pabagsakin ang Caidic-led PBA-UNTV Legends team. Ang nagmando naman para sa koponang celebrity ay si Emman Monfort na naglalaro ngayon para sa koponang NLEX Road Warrios.

Talo man ang sinapit ng team PBA-UNTV Selectives ay marami pa rin ang naantig sa ginawang 25 puntos ni PBA Legend Allan Caidic at ang 12 at 11 puntos nina Chris Calaguio at ex-Ginebra star Jayjay Helterbrand. Present rin sa one-day event sina Johnny Abarrientos at Willie Miller.

“I am thankful to Kuya Daniel because of this opportunity to help the Taal eruption victims,” ani Caidic.

Samantala, nanguna naman sa volleyball match si TV presenter Gretchen Ho para akbayan ang Team Black kontra Team Orange, 26-24, 17-25, 25-18, 10-25, 15-9.

Kabilang rin sa volleyball match ang ibang celebrity at collegiate stars na sina Cathy Bersola, Che Sindayen, Roma Joy Doromal, Jem Ferrer, Heather Guino-o Aya Fernandez, Gwen Zamora at Claudia Barreto.

Among the celebrities and former collegiate stars who took part in the volleyball event were Cathy Bersola, Che Sindayen, Roma Joy Doromal, Jem Ferrer, Heather Guino-o, Aya Fernandez, Gwen Zamora and Claudia Barreto.

“More than anything, it’s all about camaraderie and appreciating volleyball and bringing the game to Wish fans,” pahayag ni Ho.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?