32

Sep 14, 2021 @ 15:29
By

Rayver nasapol ng COVID, isinugod sarili sa ospital

Ibinuking ni Rayver Cruz na isa rin siya sa nabiktima ng COVID-19.

Aniya, dahil sa pagkakaroon ng virus, tatlong buwan muna siyang nanahimik at nagpahinga.

“Nagkasakit kasi ako. Alam mo naman ‘yung virus na kung tawagin ay si COVID-19, nakuha ko rin,” kwento ng aktor sa panayam ng GMA News.

Sambit niya, una niyang naramdaman ang panankit ng kanyang lower back na akala niya’y sanhi ng workout at over fatigue.

“Nung time na ‘yon, nakakalungkot, na-down din ako. At first, akala ko napagod lang ako that day sa mga ginawa, sa pag-workout, sa trabaho. Akala ko sunod-sunod lang ‘yung pagod,” sey niya.

“‘Yung likod ko unang sumakit, ‘yung lower back ko hanggang pataas then sunod-sunod na. Naramdaman ko na ‘yung symptoms,” pagpapatuloy pa niya.

Dahil dito, nagkusa na siyang magpunta sa ospital dahil wala naman daw siyang kasama sa bahay na maaaring maghatid sa kanya.

Wika niya, natakot din siya para sakanyang sariling kalusugan.

“Medyo natakot din ako and mahirap kasi ako lang mag-isa. Tricky kasi ang COVID-19. ‘Pag biglang nag-drop yung oxygen mo or kung ano man mangyari, walang magsusugod sa ‘kin agad-agad,” sambit niya.

Dahil dito, binigyan-diin ng aktor ang kahalagahan ng COVID vaccine dahil proteksyon aniya ito sa nakamamatay na virus.

“Important din na lahat tayo, sana makapagpabakuna para kahit papaano, may proteksyon ka,” ani Rayver.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?