264

By

Rayver nagkulong sa kuwarto sa pagpanaw ni Kobe

Hindi agad nakalabas ng kuwarto si Rayver Cruz nang malamang namatay na ang idol niyang si Kobe Bryant.

Sobrang sakit daw ang naramdaman niya.

Si Rayver ang isa sa mga artistang mahilig talaga sa basketball at dumadayo pa sa iba’t ibang lugar para maglaro kasama ang ibang mga kaibigang artista rin.

Sa tweet ni Rayver, ramdam mo na apektado itong talaga. Sey niya, “Ang sakit, ang sakit sakit.”

At sinundan nang, “Ang lunkot ang Hirap ndi ako makakilos Ayaw ko lumabas ng kwarto Bakit ndi ko pa rin gets.”


Ganiyan katindi ang impact ni Kobe kay Rayver, ha!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?