215

By

Rayver ‘lumayas’ na sa Kapamilya, Regine V. ang kapalit?

Sharing is caring!

Tuluyan nang ‘nilayasan’ ng Kapamilya actor Rayver Cruz ang ABS-CBN.

Pumirma na siya ng kontrata sa GMA7 nu’ng Huwebes, September 6.

Ayon kay Rayver, nagpaalam naman daw siya ng maayos sa Kapamilya network.

Last teleserye ng actor ang ‘Bagani’ na katatapos lang umere.

Sambit pa ni Rayver, na time to move on, mag-explore at harapin ang panibagong challenges sa kanyang career sa bakuran ng Kapuso network.

Iba naman ang nasa isip ng ibang netizens sa paglipat ni Rayver. Anila, gusto lang daw na mapalapit nang husto ni Rayver sa girlfriend nitong si Janine Gutierrez kaya nag-ober da bakod.

Hindi raw kasi mahiritan ng actor ang gf na lumipat sa Kapamilya dahil exclusive ang kontrata sa Kapuso.

Siya na katatapos lang daw mag-expire ng kontrata last March 2018 ay may option nang mamili kung saan niya gustong network magtrabaho.

Ayon sa balita, ang magiging first project ni Rayver sa GMA7 ay isang teleserye na makasasama sina Kris Bernal at Thea Tolentino.

Teka. How true na may tsikang kung nawala si Rayver may makapapalit naman daw siyang Kapuso artist… walang iba kundi si Regine Velasquez.

Hindi malayong mangyari kung gusto ring sundan ni Regine ang kanyang hubby na si Ogie Alcasid na ngayon ay isa na ring certified Kapamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?